Tutulungan ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na sumapi sa Philippine National Police (PNP) ang kapatid ng isang miyembro ng Special Action Force (SAF) na namatay sa Mamasapano, Maguindanao.

Sa isang panayam kay Izar Nacionales, bunsong kapatid ni PO2 Omar Nacionales, ng Luna, La Union, sinabi niya na nangako sa kanya si Secretary Roxas na tutulungan siyang matupad ang kanyang pangarap na maging pulis.

“Nais ko pong maging pulis para sundan ang mga nagawang sakripisyo ng kuya ko para sa bayan,” pahayag ni Izar kay Roxas.

Sinabi ni Izar na wala siyang balak ipaghiganti ang kanyang namatay na kapatid, at nais lamang niya na magsilbi sa bayan tulad ng kanyang kuya na si PO2 Nacionales.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20