Minabuting bisitahin ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas ang mga pamilya ng mga nasawing miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) sa kanilang mga tahanan upang siguruhin ang kapanatagan ng kanilang mga loob.

"Pumunta kami dito upang makiramay," sabi ni Roxas sabay paglilinaw na handang ibigay ng pamahalaan ang mga benepisyong dapat na makuha ng mga naiwang pamilya ng nasawing PNP SAF, nang walang aberya.

"Hindi lang tayo sa mga asawa tutulong. Maging ang ina at ama ng biktima ay tutulungan natin sa abot ng makakaya ng pamahalaan," diin ni Roxas.

Una nang pinuntahan ni Roxas kahapon ang mga pamilya ng mga nasawi na miyembro ng PNP-SAF na nagmula sa Hilagang Luzon na kinabibilangan nina PO2 Noble Sungay Kiangan at PO1 Angel Chocoweb Kodiamat, kapwa magkababayan sa Mankayan, Benguet.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Binisita rin ni Roxas ang pamilya ni PO2 Omar Agacer Nacionales sa Luna, La Union at ang pamilya ng yumaong si PO2 Ephraim Garcia Mejia sa San Nicolas, Pangasinan.

"Lagi ninyong tatandaan na si Marwan ay isang high value target at nasa likod ng mga linggu-linggong pambobomba sa Mindanao. Namatay ang inyong anak o asawa para mapatay siya. Namatay silang pawang bayani," dagdag ni Roxas.