IPINAGMAMALAKI ni Luis Manzano na kinuha siyang endorser ng Puregold para sa Puregold Perks Card. Pero mas ipinagmamalaki siya ng successful retail giant.

Ang Puregold Perks Card ay espesyal na privilege card na maaaring i-avail ng bawat Puregold shopper upang makaipon ng points at makakuha ng rewards para lalong maging exciting ang kanilang shopping experience.

Kasali na ngayon ang Puregold Perks Card sa rank ng Tindahan ni Aling Puring (TNAP) program na nagbibigay ng benefits sa lahat ng sarisari store owners at food resellers sa nakalipas na 11 taon.

Ngayon, sa pamamagitan ng Puregold Perks Card, maaari nang i-avail ng bawat regular at non-business owner shopper ang amazing perks na hatid para sa lahat ng Puregold shoppers.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Naging matagumpay ang career ni Luis bilang aktor at TV host, at biniyayaan siya ng napakaraming proyekto.

With all his many achievements, maituturing na inspiring testament si Luis kung papaano maaaring anihin ng isang tao ang bunga ng hard work at determinasyon.

“Si Luis ang perfect Filipino artist na kakatawan sa Puregold Perks Card,” sabi ng Puregold National Operations Manager na si Antonio delos Santos.

“Mula sa various segments ng mainstream Pinoy market ang mga taong humahanga, rumerespeto at nagtitiwala kay Luis. Ang hard work ni Luis ay patuloy na nagbibigay sa kanya ng great points sa puso ng mga Pilipino at isa ’yung great reward for any artist to accomplish.”

Sa pamamagitan ng Puregold Perks Card, may reward ang shopper tuwing sila ay mamimili sa Puregold. The more they shop, the more points they earn.

“Isang privilege at karangalan para sa akin ang maging bahagi ng lumalaking pamilya ng Puregold,” say naman ni Luis. “Excited na ako sa mga susunod na buwan dahil sa surprises na inihanda para sa ating lahat ng Puregold Perks Card. Talaga nga namang sa Puregold, always panalo!”