IPINAGDIRIWANG ngayon ng Sri Lanka ang kanilang Independence Day na gumugunita sa political independence nito mula sa Britain noong 1948. Tampok sa selebrasyon ang pagtataas ng kanilang bandila at pag-awit ng national anthem sa Colombo, ang kapital ng naturang bansa. ang iba pang aktibidad upang ipagdiwang ang okasyon ay kinabibilangan ng mga parada, seremonya, mga pageant, at ilan pang inisponsor ng kanilang gobyerno at pribadong organisasyon.

Tanyag ang Sri Lanka sa produksiyon at pagluluwas ng tsaa, kape, niyog, goma, at cinnamon. ang likas na ganda ng kagubatan ng sri Lanka, kasama na ang mga dalampasigan at mga tanawin, pati na ang mayamang kultura nito, ay sapat na upang maging isang world-famous tourist destination.

Ang ugnayang diplomatiko ng pilipinas at sri Lanka ay nagsimula noong 1951. Naging magiliw ang relasyon ng dalawang bansa; nilagdaan ang mga kasunduan sa larangan ng kalakalan, air transport, cultural cooperation, at isang agreement on the avoidance of Double taxation and Fiscal Evasion with respect to taxes and Income. Kapwa itong aktibo sa paglahok sa maramiraming exhibition at fair na nagtataguyod ng joint interaction sa larangan ng ekonomiya, kalakalan, at turismo.

Mula Hulyo 31 hanggang agosto 3, 2013, binisita ng noo’y sri Lankan Minister of External affairs, professor G.L. peiris ang pilipinas at nakipagpulong kay Vice president Jejomar C. Binay at Foreign affairs secretary Albert F. Del Rosario. Binisita rin ng sri Lankan Minister ang mga negosyanteng pilipino upang himukin silang sa sri Lanka magpalawak ng kanilang negosyo. sa pagpupulong na iyon, tinalakay ang mga posibleng larangan para sa bilateral cooperation, lalo na sa agrikultura, kalakalan, at pamumuhunan, konstruksiyon, enerhiya, turismo at air services.

National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino

Binabati natin ang mga mamamayan at pamahalaan ng sri Lanka sa pangunguna nina pangulong Maithripala sirisena at prime Minister ranil wickremesinghe, sa okasyon ng kanilang ika-67 anibersaryo ng Kasarinlan.