ILOILO – Pinalitan ni Rhodora “Dodod” Cadiao si Exequiel “Boy Ex” Javier bilang gobernador ng Antique.

Nanumpa kahapon sa tungkulin si Cadiao kasunod ng pagdiskuwalipika ng Department of Interior and Local Government (DILG)-Region 6 kay Javier bilang gobernador.

Matatandaang ang pagdiskuwalipika sa gobernador ay kaugnay ng pagsuspinde ni Javier kay Valderrama Mayor Mary Joyce Roquero dahil sa mga kasong administratibo noong Enero 2013, election period.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho