HINDI na halos makatulog si Jennylyn Mercado dahil sa nalalapit nitong Valentine concert niya sa Pebrero 13 na may titulong Oo Na! Ako na Mag-isa! Samahan N’yo Naman Ako! na gaganapin sa Skydome, SM North Edsa.

Jennylyn Mercado Panay na ang rehearsals ngayon ng singer/actress at sinigurado niyang mag-eenjoy ang lahat ng manonood sa show niya.

Si Calvin Neria ang direktor ng show ni Jennylyn na hahatiin sa dalawang bahagi, at sa una ay lalabas siya ng stage bilang si Tere Madlangsacay na papel niya sa English Only, Please. Asahan nang riot sa katatawanan ang mga umaatikabong bagong “hugot”.

Ipapakita ni Jen sa unang bahagi ang galing niya bilang artista, talagang deserving siya sa napanalunan niyang Best Actress trophy sa nakaraang MMFF para sa nasabing pelikula.

Ahas na mas makamandag daw sa cobra, namataan sa baha sa CamSur

Sa ikalawang bahagi naman ay ipapakita ng aktres kung sino siya bilang singer.

Ang guests ni Jennnylyn ay ang mga kasama niya sa English Only, Please na sina Kean Cipriano, Cai Cortez, Jerald Napoles at leading man niyang si Derek Ramsay,  Gloc 9, Nico Antonio, the G Force at ang ex-boyfriends niyang sina Mark Herras and Dennis Trillo.

Bukod sa pagdiriwang ng Valentine’s Day, ito rin bale ang victory bash ng aktres matapos manalo ng Best Actress at tumabo sa MMFF.

Excited din si Jennylyn na makatrabaho sa unang pagkakataon ang musical director na si Louie Ocampo.

“Louie has worked with some of the best singers and concert artists in the industry. It’s an honor to share the stage with him, feel na feel ko talaga ang pagiging concert artist,” say ng aktres.

“I’ve heard her sing, and I know that she can more than carry a tune,” pahayag naman ng tanyag na musical director. “She’s capable of doing great things onstage, and I’m privileged to be the one that helps her find her voice as a singer.”

Ang Oo Na! Ako Na Mag-Isa! Samahan N’yo Naman Ako! The Jennylyn Mercado Valentine Concert ay presented by GMA Network in cooperation with SM North Skydome, Becky Aguila Entertainment and Marketing Services, Quantum Music, Tuko Film Productions Inc. and MJM Productions with the support of Belo Medical Group, Tanduay, FX Creations and ZH&K Mobile. Tickets are available at SM Tickets Outlet.