Sinimulan na ng Philippine Airlines (PAL) na isama sa tiket na babayaran ng pasahero ang P550 na international terminal fee.

Sinabi ni Cielo Villaluna, tagapagsalita ng PAL, ang bayarin sa terminal para sa international flights ay bahagi ng gastos sa tiket bilang pagsunod sa memorandum Agreement na nilagdaan ng Manila International Airport Authority (MIAA) at ng mga kumpanya ng airline sa bansa.

“We will implement the integration on February 1, 2015 despite an appeal from OFWs sector and impending motions which has yet to be resolved by the court,” pahayag ni Villaluna.

Nagpahayag na si OFW Family Club party-list Rep. Roy Seneres na maghaharap sila ng contempt charges sa Pasay Regional Trial Court laban kay MIAA Gen. Manager Angel Honrado dahil sa pagsama ng terminal fee laban sa umiiral na regulasyon na hindi saklaw ang OFWs mula sa pagbabayad ng naturang bayarin.

National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino

Nanawagan ang kongresista sa Pangulong Aquino na ipawalang bisa ang kontrobersiyal na MIAA Memorandum, at binigyan diin ang Section 35 ng Migrant Workers Act (R.A. 8042 as amended by R.A. 10022) na nagbubukod sa OFWs sa pagbabayad ng mga buwis sa paglalakbay at sa airport terminal fee.