Sa bayan ng Tanay, Rizal, isa sa mga samahan na masasabing natatangi at matapat ang malasakit at pangangalaga sa kalikasan ay ang Tanay Mountineers Inc. na isang non-government organization na itinatag noong Oktubre 9, 1997 ni Engineer Onofre, Jr. at ng 19 kabataang lalaki. Pangunahing layunin nito ang bigyan ng proteksyon ang kalikasan, magsilbing search-and-rescue sa panahon ng emergency. Mula nang matatag, nagsagawa na ng pagtuturo ang grupo sa mamamayan na may kinalaman sa disaster risk reduction. Kabilang sa mga naturuan ng Tanay Mountaineers ay ang Philippine Army, Philippine National Police, at mga tauhan ng munispyo at barangay. Nakapag-ambag ito sa pag-unlad ng turismo sa Tanay.

Ayon kay Engineer Carlos Onofre, ang Tanay Mountaineers ay may 240 miyembro mula sa iba't ibang lugar sa bansa, nakasama na sa mga rescue operation tulad ng baha sa Infanta at Real, Quezon at nang manalasa ang bagyong Ondoy at Habagat sa Rizal. Nakatuwang ito sa national greening program na libu-ilibong puno ang naitanim sa mga watershed ng Tanay. Nakatulong ito sa Philippine Red Cross sa mga bloodletting activity. Umaabot na sa 46 na bloodletting ang naisagawa ng Tanay Mountaineers at mahigit na umabot sa isang milyong cubic centimeter ng dugo ang naido-donate sa Philippine Red Cross.

National

VP Sara, pinayuhan mga Pinoy na maging matalino sa pagboto sa susunod na eleksyon

Sa iba pang naging bahagi ng gawain ng Tanay Mountaineers, naakyat nila ang Mt. Banahaw sa Quezon, ang Mt. Guiting-Guiting sa Romblon, Isarog sa Bicol, Pulag sa Benguet, Kitanglad sa Bukidnon at ang Mt. Apo na pinakamataas na bundok sa Pilipinas at ang pinakamataas na bundok sa South East Asia - ang Mount Kinabalu sa Sabah, Malaysia.

Dahil sa magagandang nagawa ng Tanay Mountaineers, pinarangalan sila bilang isa sa Ten Accomplished Youth Organization (TAYO) ng National Youth Commission. Ang parangall ay ginanap sa Malacañang. At noong Enero 19, 2015, ang Tanay Mountaineers ay pinagkalooban ng "Gawad Kalasag" sa pagiging best private volunteer organization. Ang Gawad Kalasag ay ang pinakamataas na pagkilala sa larangan ng disaster risk reduction and management. Ang award ay iniabot kina Engineer Carlos Onofre at executive officer Ronel Medinilla at ang pamanuan ng Tanay Mounatineers. Ang award ay iniabot nina DILG Calabarzon Regional Director Josefina Castilla Go at ni Office of Civil Defense Regional Director Vicente Tomazar. Ginanap ang awarding sa flag raising ceremony kasama si Tanay Mayor Lito Tanjuatco.