BALANGA-Bataan - Isang dayuhan ang umangkin ng unang stage ngunit nakapuwesto naman ng maganda ang reigning champion na si Mark John Lexer Galedo kahapon sa pagsisimula ng 2015 dito sa lalawigan.

Nakuha ni Eric Sheppard ng Team Attaque Gusto ng Taiwan ang stage individual classification ng Stage One Balanga circuit na may distansyang 126 kilometro matapos ungusan si Galedo at dalawa pang dayuhan patawid sa finish line sa tapat ng Balanga Tourism Center.

Halos dalawang bisikleta lamang ang inilamang ng 23-anyos na si Sheppard na naorasan ng 3:16:13 parehas din ng oras na ibinigay Kay Galedo gayundin kina Thomas Lebas ng Bridgeton Anchor Team ng Japan at Oleg Zemiakov ng Kazakhstan National Team.

“It’s very similar to last year’s route, it’ s just a little bit shorter. And the weather is very good that’s why I feel better this year,” anang Australyano ngunit nakabase sa Taiwan.

Eleksyon

Viral video ng umano'y 'vote buying' sa Negros Oriental, 'di sakop ng elections laws—<b>Comelec</b>

Ang panalo sa ikalawang stage win ni Sheppard sa Pilipinas makaraang magwagi rin sa unang stage ng nakaraang taong edisyon ng karera mula Clark hanggang Olongapo.

Bagamat tumapos lamang na pangalawa, kuntento naman si Galedo sa kanyang nagawa kahit may kaunting panghihinayang.

“Naunahan lang ako. Nag-cover na sila sa akin kasi alam nilang me balak ako,” ani Galedo.

Ngunit ayon Kay Galedo, mabuti na rin ang nangyari dahil hindi siya ang gaanong babantayan.

Sinangayunan naman Ito ng kanilang team manager na Ric Rodriguez na nagsabing maganda ang puwesto ni Galedo dahil nakapuwesto na ito at nakauna sa mga Iranian. 

“Natupad lahat ‘yung mga sinabi namin dati bago magsimula ang karera, maganda na puwesto ni Mac, nakauna siya sa mga Iranians,” ani Rodriguez.

Nanguna naman sa Team Classification ang koponan ni Sheppard na nagtala ng oras na 9:55:11 kaparehas ng pumangalawang Seven Eleven at pumangatlong Brudgetone Anchor Team sa karerang ito na hatid ng Air21 at MVP Sports Foundation at Smart at inorganisa ng Ube Media.