IMUS, Cavite - Hindi nakalusot sa matalas na pang-amoy ng isang K-9 team ng Cavite Police Provincial Office ang P15 milyon halaga ng shabu na itinago sa tuntungan ng malaking payong sa loob ng isang inabandonang sasakyan sa NIA Road, Barangay Bucandala, sa siyudad na ito.

Sinabi ni Supt. Romano V. Cardiño, ng Cavite Police-Intelligence Branch, nakatakas ang tatlong hinihinalang drug lord na nakilalang sina “Heng,” “Jeng” at “Boy Tattoo”.

Ayon kay Cardiño, nagsagawa ng anti-drug operation ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), PNP Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force, Cavite Police-Intelligence at Imus Police laban sa tatlong big-time drug pusher.

Sa pamamagitan ng K-9 dogs, natagpuan ang shabu na ikinubli sa sementadong tuntungan ng malaking payong na iniwan ng mga suspek sa loob ng isang Isuzu Crosswind.

National

Davao Oriental, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

“Naamoy ng K-9 sa semento ng umbrella base. Kaya binasag namin ito at doon na namin nadiskubre ang shabu,” ayon kay Cardiño.

Patuloy naman ang paghahanap ng Cavite Police sa tatlong drug trafficker.