HUWAG MAGMADALI ● Sinasang-ayunan ko ang ginawang pag-urong ni Sen. Alan Peter Cayetano sa pagiging co-author ng Bangsamoro Basic Law (BBL). Hindi na tayo makaaasa sa sinseridad ng mga Muslim sa isinusulong na kapayapaan sa Mindanao. Ang nais nila ay pumatay – sa karumaldumal na paraan – ang sino mang manghihimasok sa kanilang layuning maghari ang karahasan. Ano ba ang nagtutulak sa kanila upang magpatupad ng mga gawain ng demonyo? Relihiyon ba?

Ang Islam daw ay pananampalataya ng kapayapaan. Iilan lang siguro ang saang-ayon dito, bunsod ng asal ng ilang mga kaanib. Naniniwala ako na hindi na magagamot ng ano mang kasunduang pangkapayapaan ang ideolohiya ng mga kalaban. Kaya sa mga nagnanais pang isulong ang proseso, suntok sa buwan na lamang iyon. Anang Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng Episcopal Commission on Public Affairs ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), mahalagang mabigyan muna ng katarungan ang mga nasawing pulis na tumupad lamang sa kanilang tungkulin sa pag-aresto sa mga itinuturing terorista na nagtatago sa Mamasapano, Maguindanao. Mahalaga ang masusing imbestigasyon upang matukoy ang tunay na mga nangyari at kung sino ang dapat na managot sa krimen lalo na ngayong isinusulong ang usapang pangkapapayaan sa pagitan ng pamahalaan at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), na kabilang din sa naka-engkwentro ng mga pulis.

***

KAILAN MANGYAYARI? ● Dagdag pa ni Pabillo, hindi dapat matigil sa imbestigasyon at kailangang maisagawa ito sa lalong madaling panahon. Gayunman, naniniwala siya na may kapupulutang aral sa insidente na maaaring isama sa pagsasaaayos ng BBL kaya hindi dapat madaliin ang pagkakapasa ng naturang panukala. Aniya, kung ngayong wala pa ang BBL at hindi pa ibinibigay ang nais nila ay nagkakaroon nang ganitong mga pangyayari, ay tiyak na higit pa rito ang maaari nilang gawin sa sandaling maipasa ang BBL. May matututuhan nga sa karanasang ito para sa lahat ng kinauukulan sa pagpapatuloy ng prosesong pangkapayapaan. Sa katotohanang marami ang napaslang nang walang katuturan, maghari nawa ang katarungan sa dakong huli… ngunit kung kailan iyon, walang nakaaalam.

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga