Kinontra ng kampo ni Senator Juan Ponce Enrile ang plano ng Sandiganbayan Third Division na tapusin na ang preliminary conference at simulan ang joint trial sa kasong plunder at graft na kinahaharap ng dating Senate President kaugnay ng multi-bilyon pisong pork barrel scam.

“Accused Juan Ponce Enrile, by counsel, respectfully expresses his reservations over and objections to the Honorable Court’s proposals made in open court on January 14, 2015 regarding (1) the termination of the preliminary conference in all the cases, and (2) the consolidation of all cases,” pahayag ng mga abogado ni Enrile.

Puntirya ng Sandiganbayan Third Division na mapabilis ang proseso ng paglilitis at hihilingin nito sa Korte Suprema na tapusin na ang preliminary conference na rito mamarkahan ang mga ebidensiya at magsasagawa ng joint trial sa mga kasong plunder at graft ni Enrile.

Naglilitis ang Third Division sa isang kaso ng plunder at 15 bilang ng graft na inihain laban kay Enrile.

National

Sen. Bato sa impeachment complaint vs VP Sara: ‘If they want to do it, then go ahead!’

“All told, while justice is intended to be administered with dispatch, this does not mean mere speed for speed’s sake. The anxiety in concluding and disposing a case must not result in a deprivation of due process. The constitutional right of the accused to speedy trial is in place for his protection, it is not intended to be wielded as a weapon against him,” pahayag ng depensa.

Bagamat hiniling ng Third Division ang komento ng lahat ng partido sa plano ng korte, sinabi ng mga abogado ni Enrile na ang pagdedeklara ng mga mahistrado na hihingi ito ng permiso sa Korte Suprema ay isa nang indikasyon na tatapusin na ng Sandiganbayan ang preliminary conference upang magbigay ng joint trial sa lahat ng kaso laban sa senador.