Jane & Joshua

SA PBB house napansin ang chemistry nina Jane Oineza at Joshua Garcia. Inakala ng maraming fans na sumubaybay sa kanilang dalawa sa Bahay ni Kuya, mas magiging matatag ang team-up nila kahit natapos na ang programa. In fact, noong ganapin ang debut ni Jane sa Sulu Hotel, dumating ang kanilang fans all over Philippines para simulan ang kanilang fan base na “Joshane” bilang suporta sa panibagong journey nila sa kanilang career.

In-announce pa sa media friends na inimbitahan nila noon na makakasama sila sa seryeng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, bilang love team.

Kaya nang mapanood na ang serye, isa kami sa mga nasorpresa dahil bigla na lamang naging Jerome Ponce ang ipinarehas kay Jane.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

May dahilan para magtampo si Joshua sa pagkakaligwak sa kanya. Pero management decision na paghiwalayin muna sila ni Jane. In fairness, binigyan naman siya ng kapareha, ang co-PBB graduate din nila na si Loisa Andalio na kasing-pretty rin ni Jane.

Ano ang masasabi ni Jane sa tampo ni Joshua dahil hindi nasunod ang pagtatambal nila sa serye?

“Siguro tapos na ‘yun, past na ‘yun. I think it’s time na magkaroon ng bagong relationship with them, it’s time to create new memories with them and happy ako for them,” sagot ng dalaga.

Tungkol naman kay Jerome na umaming nagiging best-of-friends silang dalawa sa set:

“Una kaming nag-meet sa Star Magic office, hanggang sa may napagkuwentuhan na kami, may mga similarities hanggang sa naging vibes na kami,” sey ni Jane, at idinugtong na mas naging close sila nang bigyan sila ng hosting stint sa ASAP Chillout. “Doon kami sa ASAP napansin ng tao na puwede pala kaming mag-work together . Happy siyempre kasi I get to work with Jerome and I’m looking forward sa mga scenes namin together.”

Hindi kaya dumating ang araw na ligawan din siya ni Jerome?

“We’ll see, ayoko namang magsalita nang patapos,” nakangiting sambit ng dalaga.

Nang mapadako ang usapan sa kanyang rumored boyfriend at sikat na La Salle player na si Jeron Teng, isang matipid na ngiti lang ang isinukli ni Jane sa reporters.

Para bang gusto niyang sabihin na may pang-love team sa totoong buhay at may pang-showbiz.