VATICAN CITY (AP) – Inihayag ng tagapagsalita ng Vatican na dalawang paring Polish ang iniimbestigahan ng awtoridad ng Holy See dahil sa pag-iingat umano ng mga gamit na nagtatampok ng child pornography.

Kinilala ni Rev. Federico Lombardi ang isa sa mga pari na si Monsignor Bronislaw Morawiec, administrator ng St. Mary Major Basilica, isang simbahan sa Rome na pinagdadasalan ni Pope Francis.

Ayon sa tagapagsalita, dati nang hinatulan si Morawiec sa kasong pandaraya, na bahagi ng pagsisikap na nakakatupad sa international standards ang paggastos ng Holy See.

Ang isa pang suspek sa child porn ay si Jozef Wesolowski. Napatunayan na minsan ng Vatican church tribunal na guilty si Wesolowski sa pang-aabusong seksuwal sa mga bata habang naglilingkod ito bilang papal ambassador sa Dominican Republic.

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga