JESSICA Soho

ABANGAN ang ilang kakaibang kuwento tungkol sa mga hayop at isang espesyal na sorpresa sa Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong gabi.

Nahuli sa Mallig, Isabela ang mahigit dalawang pulgadang ahas na meron daw paa samantalang sa Ilocos Norte naman ay may tupa na mala-cyclops dahil iisa lang ang mata. Alamin kung tunay nga ba ang sinasabi ng matatanda na may dala raw na suwerte o kamalasan ang mga ito.

Tampok din sa KMJS ang pinaka-cute na video ng mga pusa at ang kanilang antics sa Internet. Ipakikilala rin ni Paolo Ballesteros ang mga pusang alaga niya na lagi niyang kasa-kasama sa mga picture niya sa Instagram.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Itatampok din ang chicken wings explosion tampok ang iba’t-ibang recipe ng chicken wings na patok na patok papakin ng mga Pinoy.

Huling taon na raw ng pagsasama-sama ng bandang Kamikazee na nagpauso ng awiting Narda. Marami pang ibang banda at grupo ng OPM singers na matagal nang nagwatak-watak pero ang kanilang mga kanta, mistula nang imortal. Samahan ang KMJS na kumustahin ang ilang miyembro ng OPM singing group na sumikat at naghiwa-hiwalay na tulad ng Smokey Mountain, Alamid, Fourmula, Vanna Vanna at Introvoys.

At dahil Pebrero na at buwan na ng pag-ibig, tunghayan ang love story ng isang guro sa Cavite na na-in love sa kanyang co-teacher. Dahil ayaw na niya itong pakawalan, inalok niya ito ng kasal sa harap mismo ng kanilang mga estudyante, sa gitna ng mall!

Nag-post ang programa sa KMJS Facebook account ng panawagan sa kababaihan na nangangailangan ng damit. Ang ilan kasi sa suits at wardrobe ng host na si Jessica Soho ay ipamimigay niya nang libre! At sa libu-libong nagpahayag ng interes na nais nilang mapasakanila o sa kanilang mahal sa buhay ang naturang mga damit, sino kaya ang mapipili para sorpresahin ng award-winning broadcast journalist mismo?

Kilalanin sila ngayong gabi sa Kapuso Mo, Jessica Soho, 7:30 PM pagkatapos ng Ismol Family sa GMA7.