Sarah-Lahbati-Richard-Gutierrez-copy

HINDI binanggit ni Sarah Lahbati kung anong airlines ang naging dahilan kaya hindi sila nakarating ni Richard Gutierrez sa kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil nakulong sila sa Malapascua Island, Cebu noong Disyembre.

Bukod dito ay naiwan din daw ang luggage ng anak nila ni Richard na si Zion sa Manila bukod pa sa binagyo sila sa island kaya talagang delayed to the max ang biyahe nila.

“So we stayed siguro additional two or three days pa roon,” kuwento ni Sarah sa panayam sa kanya pagkatapos ng presscon ng pelikulang Liwanag sa Dilim.

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

Naka-schedule raw silang pumunta talaga sa kasal nina Dingdong at Marian.

“Kaibigan naman namin sila and you know, Chard has been working with Marian for several years and we had plans naman to go,” ani Sarah.

Hindi ba siya naiinggit kapag may ikinakasal na kakilala o kaibigan niya?

“No naman. Kasi hindi ko ugali ang mainggit. I’m happy for her (Marian) because obviously, sa lahat ng pictures na nakita ko, she looks very happy and delightful. And kung baga, she’s living the dream and it’s good for her. I’m really happy,” pahayag ni Sarah.

May plano na ba sila ni Richard na magpakasal?

“I don’t think this year will be the year where we will focus on something else. Right now kasi, we wanna focus on Zion. I know I keep on saying this, pero ako kasi parang nakikita ko pa rin siya na baby and ‘di ko matanggap na tumatakbo na siya, malapit na siyang magsalita, so gusto ko i-enjoy. Ayokong i-regret na hindi ko in-enjoy ‘yung time ko with Zion and ang inatupag ko ‘yung sarili kong desires and sarili kong buhay. I want to spend time with my son,” katwiran ni Sarah.

“We know that it’s not our priority right now because there are so many things to consider and so many other issues. And puwedeng magkaayos muna ‘yung parents namin, ‘di ba? P’wedeng ‘yun muna?” napangiting sabi pa.

Hindi kasi okay ngayon ang Mommy Annabelle ni Richard at ang mama niya na nagkaroon ng isyu noong nakaraang taon.

Hindi ba nila inaayos ni Richard ang problemang ito?

“I’m doing my part, Chard is doing his part, I respect my mom, I respect Tita (Annabelle), I love my Mom, I love Tita, the only problem is ‘yun nga, nagkakaroon lang ng in-laws clash which is actually normal. It actually happens sa lahat ng in-laws. I’m sure you know what I’m talking about and hindi naman ito World War 3, so may pag-asa pa na maging okay,” napangiti uling sabi ni Sarah.

Kailan naman masusundan si Zion?

“Siguro, mga three or four years pa,” sabi niya. “We’ll see. For me naman, I don’t think it’s a sin that we have Zion and we’re not yet married because before having Zion, we already knew that we wanted to spend the rest of our lives with each other. Because we knew that we’re gonna get married at one point. Mas nauna lang si Zion but we’re slowly getting there,” pangangatwiran ng aktres.

Samantala, misteryoso ang papel ni Sarah sa Liwanag sa Dilim at ayaw niyang banggitin kung isa siya sa mga aswang.

“Ang role ko is mysterious woman na may pinagdadaanan and eventually mami-meet niya ‘yung tatlong bata na baka tulungan niya sa mga adventures ng mga bata,” say ni Sarah.

Mapapanood na ang Liwanag Sa Dilim sa Pebrero 11 mula sa direksiyon ni Richard Somes for APT Entertainment na pinagbibidahan nina Jake Vargas, Bea Binene, Dante Rivero, Igi Boy Flores, Rico Blanco at si Sarah.