NALAMAN namin mula sa isang kasama sa nagmamaniobra sa movie career ni Ai Ai delas Alas na kumpirmado nang lilisanin ng komedyana ang ABS-CBN kapag natapos na ang kontrata niya sa April.

Ai-Ai-Delas-Alas-copy-300x272Kahit may mga taga-Dos na kumakausap daw ngayon kay Ms. A ay hindi na ito magre-renew ng kontrata sa Kapamilya Network. 

Kuwento ng source namin, ang akala nga raw ng komedyanang aktres ay tapos na ang kontrata niya ngayong Enero.

Ayon pa sa source, malamang na lumipat si Ai Ai sa GMA-7 na nag-aalaga rin ngayon sa anak niyang si Sancho Vito. 

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Buong akala ng source namin ay naayos na ang tampuhan ni Ai Ai at ng ilang executive ng Dos pero may isang pangyayari raw na lalong ikinagalit ng komedyana.

Ayon sa spy namin, ipinatawag para sa isang meeting si Ai Ai kasama ang ilan sa executives ng istasyon at isa sa napag-usapan ang kinita raw ng huling pelikula ni Ai Ai kasama ang tambalang Kim Chiu at Xian Lim.

Hindi umabot sa talagang expected na kikitain ang naturang movie kaya sort of kay Ai Ai pa raw ibinunton ang sisi.

Pero ang talagang ikinagalit daw ni Ai Ai ay ang komento na narinig niya sa meeting na kesyo puro na lang daw kasi lovelife ng aktres ang naging sentro ng naglabasang publisidad.

Kaya ang ending, naimbiyerna nang husto si Ai Ai delas Alas at nagdayalog na tatapusin na lang niya ang kontrata niya sa Dos at sa Star Cinema.