Pinalad na hindi sumabog ang inihagis na granada ng riding–in-tandem sa tapat ng police station sa Novaliches, Quezon City iniulat ng pulisya kahapon.

Ayon kay SPO4 Ronaldo Segio, desk officer, dakong 11:45 ng umaga nang inihagis ang dalawang lalaki na nakasakay sa motorsiklo ang MK2 fragmentation grenade sa tapat Novaliches Police Station 4 sa Nova Proper sa Quirino Highway.

Nabatid kay SPO3 Hernando Cruz ng EOD, hindi sumabog ang Granada dahil wala itong explosive filler, blasting cap at fired primer.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20