RIYADH, Saudi Arabia (AP) — Binitay ng Saudi Arabia noong Lunes ang isang lalaki na hinatulan sa panggagahasa ng ilang batang babae sa kaso na umagaw ng atensiyon ng kaharian at nagmamarka ng unang pamumugot sa ilalim ng bagong upong si King Salman.

Sinabi ng Interior Ministry na si Moussa al-Zahrani ay binitay sa lungsod ng Jiddah. Ayon sa pahayag ng ministry, si al-Zahrani ay hinatulan sa pambubuyo sa mga dalagita, paglalasing sa kanila at pagpuwersang manood ng pornographic video at pagkatapos ay inaabuso ang mga ito.
National

PBBM supporters, nagtipon-tipon sa EDSA; sumigaw ng ‘demokrasya’