Magsasagawa ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at ang Philippine Airlines (PAL) ng magkahiwalay na pagsusuri tungkol sa seryosong security breach ng ground personnel sa Kalibo International Airport sa Aklan matapos madiskubre na isang babaeng walang passport ang nakabiyahe nang libre patungong South Korea lulan ng isa sa mga eroplano ng PAL.

“PAL is conducting a thorough investigation on the matter,” saad sa text message ni PAL Spokesperson Cielo Villaluna sa may akda. “We are not divulging any details pending completion of ongoing probe.

Sa kabilang dako, sinabi ng CAAP sa isang pahayag na iniimbestigahan na nito ang insidente at isasagawa na ang ilang corrective measures.

Sinabi nito na kabilang sa mga iniimbestigahan ang security personnel na nakatalaga sa pre-passenger screening, passenger profiling, ticket evaluation at mga tauhan ng PAL sa Kalibo.

National

‘Para pak na pak!’ Impeachment complaint vs VP Sara, next year na dapat tanggapin – Gadon

Sa incident report nito, kinumpirma ng CAAP na isang Leah Castro Reginio, 35, dalaga at residente ng Patnongon, Antique, ang nakagawang makasakay sa PAL flight PR490 patungo sa Incheon International Airport na umalis sa Kalibo dakong 5:34 ng hapon nitong Enero 22 nang walang airline ticket at travel documents.