PAIWAS sa una pero diretsahan sa bandang huli ang pagsagot ni John Lloyd Cruz sa interview ng The Buzz tungkol sa pasaring ng kasintahang si Angelica Panganiban na hinihintay na lang nito ang marriage proposal niya.

John-Lloyd-AngelicaBanggit agad ni John Lloyd, kapipirma lang niya ng panibagong kontrata sa ABS-CBN kaya ito ang mas bibigyan niya ng priority ngayon.

Tatlong taon ang bagong kontrata na pinirmahan niya sa Kapamilya Network noong nakaraang linggo.

Very obvious na nakapag-isip siya nang husto sa US pagbalik niya sa bansa ay nag-renew agad siya ng kontrata sa network na nagpasikat sa kanya nang husto.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

So, hindi pa talaga niya pakakasalan si Angelica?

“At this pont, kakapirma lang natin, di ba? I’d like to show my bosses na nasa top priority natin ngayon ang trabaho and gusto natin ma-achieve yung content ng kontrata, maka-deliver tayo sa pinirmahan natin, sa commitment natin sa network,” sey ni Lloydie.

Pero hindi naman daw nangangahulugan na isasantabi niya ang paglagay sa tahimik. Gusto rin naman daw niya ‘yun pero hindi naman ibig sabihin ay magpakasal na sila ni Angelica.

Aminado ang aktor na nakakaramdam na siya ng pressure sa bagay na ‘yun.

“I am not getting younger naman, I’m 31, imposible na hindi ko naramdaman ‘yung pressure. But it’s good to know your priorities and sabi nga nila, ‘buti lalaki ka, kasi mas madali raw sa lalaki, di ba?’ say ng aktor. 

Samantala, hindi pa niya binanggit kung anu-ano ang mga proyektong gagawin niya sa Dos. Siyempre, umaasa ang fans niya na malalaking proyekto ang gagawin ni John Lloyd Cruz.