Nakaligtas sa kapahamakan ang 60 pasahero ng isang Cebu Pacific flight matapos makahigop ng ibon ang makina ng eroplano habang papalapag sa Iloilo Airport, kahapon ng umaga.

Ayon kay Eric Apolonio, tagapagsalita ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), papalapag na ang Cebu Pacific flight CEB-162 sa Runway 02 ng paliparan nang tumama ang isang ibon sa makina nito dakong 5:57 ng umaga.

Sinabi ng CAAP na ligtas na naka-landing ang eroplano at walang nasaktan sa mga pasahero.

Agad na ininspeksiyon ng mga mekaniko ang eroplano bago ito pinayagang makalipad patungong Mactan International Airport sa Cebu.
National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS