Nakapuwersa ang University of Philippines (UP) ng 2-2 draw kontra sa Ateneo de Manila University (ADMU) upang manatiling nasa liderato ng ikalawang round ng UAAP Season 77 men’s football tournament sa Moro Lorenzo Football Field.

Nakasilip ng break ang Fighting Maroons matapos maka-goal ang kanilang striker na si Jin Montemayor sa 56th minute na nagbigay sa kanila sa 2-1 kalamangan.

Nakuha namang tumabla ng Blue Eagles may 4 na minuto ang nakalipas sa pamamagitan ni Emilio Acosta.

Una nang nakaiskor ang Ateneo sa pamamagitan ni Wilson Montemayor sa drilling 18th minute bago nakatabla ang UP kasunod ang goal ni Jose Anton Yatco, makalipas ang 2 minuto.

National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM

Sa FEU-Diliman pitch, tumapos din sa draw ang laban ng defending champion Far Eastern University (FEU) at De La Salle sa iskor na 1-1.

Naglaro sa unang pagkakataon na wala ang reigning MVP na si Paolo Bugas na hindi na makababalik hanggang matapos ang season dahil sa tinamong ACL injury, nakalamang ang Tamaraws makaraang ma-foul si Jess Melliza sa loob ng box at nakaiskor sa pamamagitan ng spot kick sa 84th minute.

Nakuha namang tumabla ng Green Booters sa 89th minute kasunod ang goal ni Chuckie Uy.

Dahil sa panalo, mayroon na ngayong natipong 17 puntos ang UP, angat ng 1 puntos sa pumapangalawang La Salle habang pumangatlo ang Ateneo na may 15 puntos.

Sa iba pang laro, nagtapos din sa 1-1 draw ang laban ng National University (NU) at University of the East (UE) sa Moro Lorenzo Football Field habang nanaig naman ang University of Santo Tomas (UST) kontra sa Adamson, 4-1.

Tabla sa ngayon ang NU at ang UE na may 14 puntos para sa ikaapat na puwesto, ngunit angat ang una sa goal difference habang nakatipon naman ang UST ng 9 puntos para umangat sa 5th spot.

Samantala, sa women`s division, tinalo ng FEU ang UST, 1-0, habang nauwi ang laban ng Ateneo at La Salle sa scoreless draw.

Sa pagbubukas naman ng aksiyon sa juniors division, inilampaso ng defending champion FEU-Diliman ang UST, 10-0, habang nakaungos naman ang La Salle-Zobel laban sa Ateneo, 3-2.