MELBOURNE, Australia (AP) – Nakatakdang magharap sina Maria Sharapova at Eugenie Bouchard sa Australian Open quarterfinals matapos umabante mula sa kani-kanilang laban kahapon.

Ang second-seeded na si Sharapova ay na-break sa unang set bago napanalunan ang huling walong games ng kanyang 6-3, 6-0 fourth round victory kontra kay No. 21-seeded Peng Shuai.

Ang seventh-seeded na si Bouchard, na nakaabot sa semifinals sa unang tatlong Grand Slam tournaments noong nakaraang taon, ay nanalo naman sa siyam sa huling 10 games laban kay Irina-Camelia Bagu, ngunit nabigo sa pito sa sumunod na siyam upang mapuwersa ang ikatlong set sa unang pagkakataon sa torneo.

Matapos mag-serve ng double fault sa isang set point sa second set, sandaling nagpahinga si Bouchard bago nagbalik upang makumpleto ang 6-1, 5-7, 6-2 na panalo laban sa No. 42-ranked na si Begu, na tinalo ang No. 9-seeded na si Angelique Kerber sa first round.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

‘’I gave myself a good, long hard look in the mirror,’’ paliwanag ni Bouchard tungkol sa kanyang panandaliang pagkawala mula sa Rod Laver Arena. ‘’I said, ‘Genie, this is unacceptable.’ I really kind of kicked myself in the butt a little bit.’’

Ang five-time Grand Slam winner na si Sharapova ay may 3-0 career record laban kay Bouchard, kabilang ang isang comeback semifinal win sa French Open noong isang taon.

Natalo si Sharapova sa fourth round sa Melbourne Park noong nagdaang taon, kung saan umabot si Bouchard sa semifinals ng kanyang tournament debut.

‘’I feel like something or someone gave me another chance,’’ ani Sharapova. ‘’Last year I lost in the fourth round here, getting to the quarters is really special.’’

Sinabi ni Sharapova na si Bouchard ang pinaka-consistent na manlalaro sa Grand Slams noong 2014, at kailangan niyang mag-doble kayod laban sa 20-anyos na Canadian.

‘’She’s playing really well, confident tennis. So aggressive,’’ saad ni Sharapova. ‘’I have a tough match ahead of me, but I always look forward to that.’’

Sa isa pang laban, nanaig ang No. 10 na si Ekaterina Makarova para sa 6-3, 6-2 na panalo laban kay Julia Goerges upang makaabot sa last eight, kung saan makakatapat niya ang mananalo sa pagitan nina No. 3 Simona Halep at Yanina Wickmayer.