Enero 26, 1808 nang nakubkob ng ilang miyembro ng New South Wales Corps ang Government House ng New South Wales convict colony at pinatalsik si Gobernador William Bligh, na kanilang inaresto kalaunan. Tinawag na “Rum Rebellion,” ito ang nagiisang matagumpay na kudeta ng militar sa kasaysayan ng Australia.

Bago ang rebelyon, nilimitahan ni Bligh — na nakilala bilang isang matapang na leader—ang kalakalan ng trapiko sa kolonya, at inakusahan ang militar ng korupsiyon at kawalan ng sapat na kakayahan. Aktibong nakikibahagi ang sandatahan sa kalakalan ng rum noon. Ang pagdakip ni Bligh sa mga dating opisyal ng militar at sa pangunahing negosyante na si John MacArthur ay nagbunsod ng rebelyon. Tungkulin dapat ng militar ang suportahan ang gobernador ng kolonya.

Pinamunuan ng mga rebelde ang kolonya hanggang Enero 1810, nang maging gobernador si Lachlan Macquarie. Noong 1810 ay pinabalik ang pulutong sa England at sinibak sa puwesto si Maj. George Johnston noong 1811.
National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino