SINIMULAN natin kahapon ang pagtalakay sa ilang palatandaan na nagtatagumpay ka na sa buhay. Paano mo malalaman na nagtatagumpay ka na? Ipagpatuloy natin...

  • Pinahahalagahan mo na ang taong nakikita mo sa salamin. – Kung tutuusin, kailangan nga na pinahahalagahan mo ang taong nakikita mo sa salamain sa lahat ng pagkakataon. Ngunit kung madalas mo nang tinitingnan ang iyong sarili sa salamin at nasisiyahan ka sa iyong nakikita, isang hudyat iyon na nagtatagumpay ka na. Mahalin mo ang iyong sarili sapagkat bukod-tangi ka.
  • Natuto ka na sa iyong mga pagkakamali. – Ang kabiguan ay bahagi rin ng paglago. Hindi lahat ng tao ay maaaring siyento por siyentong magtatagumpay sa lahat ng oras. Hindi makatotohanan iyon. Ang buhay ay tungkol sa tagumpay at kabiguan. Kaya alalahanin mo ang iyong mga pagkakamali at ituring mong stepping stones iyon patungo sa tagumpay. Sa totoo lang, walang kabuluhan ang mamighati sa kabiguan sapagkat bahagi lang iyon ng napakagandang paglalakbay sa buhay.
  • National

    ‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

  • Mayroon kang mga kasamang handang tumulong sa iyo. – Kapag nalaman mong mayroon kang mga kasamang “nasa likod mo” at yaong mga alam mong kunwari lang ang pagtulon sa iyo, nagtagumpay ka na. Isa itong mapait na katotohanan, ngunit kapag nalaman mo na ang mga palatandaan ng pagtatraydor, siyempre iiwasan mo ang mga taong iyon.
  • Hindi ka na nagrereklamo. – Hindi ka na nagrereklamo kasi alam mong wala namang irereklamo. Maliban na lang kung dumaan ka sa isang kahindik-hindik na pamumuhay noon at nalugi ka ng katakut-takot, ang nararanasan natin araw-araw ay pangkaraniwan na lamang. Alam iyon ng matatagumpay na tao. At sa kabila ng mga kamalasan sa buhay, ang matatagumpay na tayo ay nagpapatuloy sa kanilang napiling landas.

  • Ipinagdiriwang mo ang tagumpay ng iba. – Dahil nagtatagumpay ang iba, hindi nangangahulugan na bigo ka. Makisaya ka sa mga taong sumirit ang career. Sa pagbibigay ng positibong enerhiya sa mga nagtagumpay, magkakaroon ka ng sigla na tularan sila.

Marami pa bukas, sundan.