PINAG-UUSAPAN ngayon si Willow Smith dahil sa kanyang bagong “topless” photo. Pero ngayon, ang 14 taong gulang na anak nina Will at Jada Smith ang siya mismong nagbahagi ng larawan sa Instagram na halos kita na ang dibdib niya. Ngunit ang nasabing shirt ay isang imahe ng ibang babae at hindi talaga sa kanya.

Pero hindi pa rin tumitigil ang pagkainis ng mga tao lalo na’t napakabata pa ng bunsong anak nina Will and Jada.

Ang nasabing shirt ay vintage na gawa ng sikat na designer na si Jean Paul Gaultier at si Willow mismo ang kumuha ng larawan at ito ay ibinahagi sa Instagram suot ang nasabing shirt.

Tila walang pakialam sa opinyon ng ibang tao ang bunsong anak ni Smith tungkol sa pagiging mapangahas niya. Noong nakaraang Nobyembre lamang ay ibinahagi naman nito ang kanyang saloobin sa kanyang Twitter account bilang parte ng kanyang “Free the Nipple” campaign na biglaan din naman ang pagkalat.

National

Mga kasama ni Alice Guo na nahuli sa Indonesia, nakabalik na sa 'Pinas!

“The day that women can casually be topless and not be raped or degraded will be the day that women will be equal in society,” pahayag ni Willow.

Hindi ito ang unang pagkakataon na naging kontrobersiyal ang pagbabahagi ni Willow ng kanyang larawan. Nag-post na rin siya ng isang larawan kasama ang aktor na si Moises Arias habang nasa kama. Nakaupo ang aktor katabi si Willow habang walang pangtaas na saplot lalo na at malaki ang agwat ng kanilang edad – si Moises ay 20 at si Willow naman ay 13 – marami ang nagsabing hindi ito kaaya-ayang tingnan.

Kaagad namang ipinagtanggol ni Jada ang kanyang anak sa panayam sa The Edit. Sabi nito, “Just don’t pollute something that’s not dirty,”I want my kids to be happy and I want them to be themselves. I was saying to a friend the other day, ‘Remember, our kids are not us.’ They’re not. Sometimes we’re trying to fix things that happened to us or projecting [onto them], and that’s a terrible, terrible trap.”

Wala pang inilalabas na sagot sina Will at Jada tungkol sa paksang ito ngunit kung pagbabatayan ang pagpapalaki ni Jada sa kanyang anak, hindi ito big deal sa kanilang pamilya.