Robin-BB-and-Rommel-copy

PANAY ang tawanan at revelations sa pocket interview sa Padilla siblings, sina Robin, Rommel at BB Gandanghari, para sa first project nila together, ang sitcom na 2 ½ Daddies ng TV5. Ayaw ni BB na tawagin pa rin silang Padilla brothers dahil hindi na raw siya brother. Nakakatuwa ang kulitan ng magkakapatid na makikita raw sa kanilang show simula mamaya, 8:00 PM, sa direksyon ni Monti Parungao.

Laglagan ang nangyari sa tatlo at madalas nilang biruin si BB na sabi ni Robin ay nakipagpatintero raw sa pulis sa sobrang traffic makarating lamang sa interview sa kanila.

“Salamat sa TV5 dahil sila ang nagpabuklod sa aming tatlo, katuparan ng isang matagal na naming plano na magkasama-sama,” sabi ni Robin. “Dito rin natupad ang matagal ko nang wish na makasama si Alice Dixson. Noong araw ko pa siya hinihingi kay Boss Vic del Rosario na makasama sa Viva Films pero hindi ko alam kay Rustom (BB) kung in love siya kay Alice noon kaya binabakuran niya.”

Akbayan, De Lima 'di apektado sa pagtutol ni PBBM: 'Kailangang manaig ang batas!'

“First time kong makatrabaho si BB, mahusay pala siyang mag-action,” sabi naman ni Rommel. “Noon kasing ginawa namin ang Mistah, may nagdu-double sa kanya sa mga action scenes, kahit iyong pagtalun-talon niya sa eksena, may double pa iyon, pero dito makikita ninyo na siya talaga ang gumagawa ng action scenes.”

“Nag-training talaga ako kung paano sumipa,” natatawang sagot ni BB. “But I’m very happy na natuloy na rin itong sitcom namin at makikita ninyo ang rapport naming magkakapatid sa mga eksena. Nakakatuwa na kung ano ang trato nila sa ibang babae, ganoon din ang ibinibigay nila sa akin. I can express more of myself now, wala na akong inhibitions. Maraming eksena rito na totoong hango sa buhay namin, like iyong minsang nag-appear ako na wala akong bra, sabi ni Omeng, mag-bra ako para hindi mapansin ang nipples ko. Si Robin naman, ayaw niya na masyadong maikli ang paldang suot ko, pero nagagawa naming katatawanan iyon. Hindi naman ako napipikon sa mga sinasabi nila sa akin. Ako kasi plays the role of Eva at sino pa nga ba ang peg ko kundi ang mother dear namin. Pero noong una, nahirapan ako sa kanilang i-explain ang pagiging transgender ko kaya sinabi ko na lamang sa kanila na accept me who I am.”

Seriously, naikuwento ni Robin na muntik na niyang sunugin ang PBB house nang malaman niyang isinamang housemate si BB roon, salamat na lamang daw at dumating si Ms. Malou Santos at pinakalma siya. Si Rommel naman, inisip daw niyang gimmick o baka gusto lamang nilang lumakas ang show pero nang magtuluy-tuloy hanggang sa nag-out na si BB, nalungkot siya na nawalan sila ng isang kapatid na lalaki pero masaya rin dahil natagpuan na rin ni BB ang sarili niya.

“Nang pumasok naman ako sa PBB, wala akong balak na mag-out doon. Pero that time, nag-out na ako while I was in Los Angeles, California, the following year bumalik na ako rito at noong 2006, nakasama ako sa PBB. Wala pa rin akong balak noon until nag-appear iyong mariposa (paruparo) na hindi ko alam kung saan nanggaling at parang iyon ang naging sign ko. Sa mga Padilla kasi, may ibig sabihin ang paglabas ng mariposa. Kaya nagdesisyon na akong mag-out at pagkatapos noon, nag-voluntary exit na ako.”

“Kami naman, pinag-aralan namin at tinanggap ang desisyon ni BB,” ayon pa kay Rommel. “ Hindi namin siya p’wedeng talikuran, lalo na at kadugo namin siya.”

Itinanggi naman ni BB na peg niya sa pagbabago ng anyo niya si Carmina Villarroel. Ayon sa kanya, nagkaroon ng closure ang relasyon nila noon pang 2005. Ang peg daw kasi niya noong nasa States siya ay foreign female actresses. Sa ngayon daw, hindi pa sila nagkakaroon ng chance na muling magkausap ni Carmina pero alam niyang magkaibigan pa rin sila.

May nagtanong kay Robin bakit hindi ang wife na si Mariel ang leading lady niya sa sitcom para Padilla family talaga ang bumubuo ng cast, lalo na’t ang gaganap na baby ay si Raniah, ang one year old na apo ni Rommel sa anak niyang si RJ Padilla.

“May gagawin din kaming show ni Mariel pero priority namin itong 2 ½ Daddies. Pagkatapos ng first season, baka ibalik namin ang pagho-host ng Talentadong Pinoy at pagkatapos second season ulit ng sitcom. Hindi p’wedeng sabay akong gagawa ng show dahil may gagawin din akong movie, ang Tatay Kong Hoodlum na magsasama kami ng anak kong si Kylie. Matagal na itong nakaplano under our production, ang RCP Films at ako rin ang magdidirek.”