Labis na panibugho ang nagtulak sa isang Indian hotel waiter na sunugin ang kuwarto ng kanyang dating nobyang Pinay sa United Arab Emirates (UAE).

Nahaharap sa kasong arson sa Court of First Instance ang 26-anyos na Indian at itinakda ang pagbasa ng hatol laban dito sa Pebrero 8.

Sinabi sa korte ng dayuhan na hindi nito alam ang kanyang ginagawa nang sunugin niya ang kama at kurtina sa loob ng silid ng 34-anyos na Pinay noong Oktubre 2014 matapos siya nitong hiwalayan.

Idinugtong nito na wala siyang intensiyong ilagay sa alanganin ang buhay ng sinuman at binayaran na ang kabuuang halaga ng danyos sa nangyaring insidente.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nabatid na kasama sa trabaho sa isang hotel sa Jebel Ali ng dayuhan ang Pinay

Ayon sa ulat ng UAE authorities, pumasok ng female quarters ng hotel ang Indian at sinunog ang kuwarto ng dating kasintahan.

Sa pahayag ng isa pang Pinay na roommate ng babae, nagising siya sa malakas na tunog ng sirena at nakita niyang nasusunog ang kama ng kanyang kasama sa kuwarto.

Maging ang sapatos ng biktima na nagkakahalaga ng Dh200 ay sinunog ng akusado habang umabot sa Dh2,100 ang natupok na kagamitan sa loob ng silid.

Inamin ng Indian na nakainom siya ng alak nang gawin niya ang krimen