Pilit na babangon ang dating SEA Games 8-Ball at 9-Ball gold medalists na si Iris Rañola mula sa nakadidismayang kampanya nito may dalawang taon na ang nakalilipas sa pagbabalik sa pambansang delegasyon na sasabak sa ika-28 edisyon sa Singapore SEAG sa Hunyo 5 hanggang 16.

Hindi naipagtanggol ni Rañola ang kanyang gintong medalya sa 2011 Palembang SEA Games matapos na matanggap ang ulat na sumakabilang-buhay na ang kanyang ama ilang araw bago ang pagsisimula ng kanyang torneo sa Nay Pyi Taw, Myanmar.

Dahil sa pighati, nabigong magwagi si Rañola sa paboritong 9-Ball event kung saan ay tanging tansong medalya lamang ang nakubra nito sa Women’s 10-Ball single.

Gayunman, muling makakasama nito ang matalik na kaibigan na si Rubilen Amit at ang papa-angat na batang cue artist na si Cheska Centeno na inaasahang dodominahin ang mga event sa Singapore SEAG.

National

Malaking bahagi ng bansa, uulanin dahil sa 3 weather systems

“Hindi po namin maipapangako pero maganda po ang tsansa namin ngayon na makapag-uwi ng maraming medalya dahil medyo malakas po ngayon ang team,” pagmamalaki ni Amit, na target maipagpatuloy ang kanyang medal-winning streak sa kada dalawang taong SEA Games.

Si Amit ay 2-time world 10-Ball at No. 8 sa World Pool-Billiard Association.

Mula pa noong 2005 Philppines SEA Games, hindi pa nabobokya si Amit, ang Pinay cue artists na humablot ng world title. Napasakamay din nito ang limang gintong medalya, dalawang pilak at dalawang tanso.

Ang tanging hindi nakakubra ng gintong medalya si Amit ay noong 2011 Indonesia SEA Games matapos na mabigo kay Rañola sa 9-Ball singles finals.

Nagwagi ang 15-anyos na si Centeno sa Asian juniors at nagbulsa ng bronze medal sa 2014 World Junior Championship.

Dalawang event lamang ang sasabakan ng mga Pinay, ang 8-Ball at 9-Ball singles, matapos na alisin ng host Singapore ang mga regular event na 10-Ball, doubles at rotation.