Malubha ang kalagayan ng tatlong bata makaraang pagtatagain ng kinakasama ng kanilang lola habang mahimbing na natutulog sa Tinambac, Camarines Sur nitong Miyerkules ng gabi. Ang mga biktima ay nasa edad 7, 8 at 9 na taong gulang.

Kinilala ni SPO1 Lerio Bombita ang suspek na si Jose Frungoso, 49-anyos.

Nabatid na lasing na umuwi ng bahay ang suspek at nagtatalak ang lola ng mga biktima hanggang sa mag-away sila. Nang aktong sasaktan ng suspek ang lola ay nakatakas ito para humingi ng tulong. Sa galit ng suspek ay pinuntahan nito ang bahay ng tatlong batang biktima at pinagtataga.

Nagising sa lakas ng sigaw ng mga biktima ang ama at ina ng suspek at mabilis na itinakbo sa ospital ang mga bata na nagtamo ng iba’t ibang sugat sa katawan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Naaresto naman ang suspek na nasa kustodiya na ng pulisya at nakatakdang kasuhan.