Palaki ba nang palaki ang iyong timbang habang ikaw ay nasa trabaho? kung gayon, ikaw ay nasa magandang kumpanya. Base sa Harris interactive survey noong 2013 na aabot sa 3,000 manggagawa ang dumalo para sa CareerBuilder, 41% sa mga kalahok ay nagsabing nadagdagan ang kanilang timbang habang nasa trabaho. Ang mga manggagawa na buong araw na nakaupo sa kanilang opisina (katulad ng administrative assistants) at mga nakakapagod na trabaho (katulad ng engineers at teachers) ay ang mga trabahong madaling makadagdag ng timbang.

Sa katunayan, marami ang rason kung bakit nakakaapekto ang trabaho sa timbang ng isang indibidwal. ayon kay katherine Tryon, isang medical doctor sa Vitality institute, isang global research organization na nakabase sa New York City, “it really has to do with diet, physical activity, and behavior.”

Narito ang ilan sa mga dahilan kung paano nadadagdagan ang timbang habang nagtatrabaho:

Matagal na pag-upo

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Ang kakulangan ng pisikal na aktibidad ng ilan sa mga empleyado. Base sa CareerBuilder survey, isa sa mga dahilan ng mga empleyado ang “sitting at my desk most of the day” sa paglaki ng kanilang timbang. Bagamat totoo ito, pinatunayan naman sa pag-aaral na ang mga taong tumatayo o naglalakad habang nasa trabaho ang mas nakakabawas ng timbang.

Mahabang paglalakbay

Ang ilan sa karaniwang Amerikano ay naglalakbay ng 25.4 minuto bago makarating sa kanilang trabaho at parehas na oras muli pauwi sa kanilang tahanan. Ayon sa US Census Bureau, nakita sa The American Community Survey na halos 86% ng mga manggagawa ang gumagamit ng kotse papasok sa trabaho. Ang mga sumasakay naman sa pampublikong sasakyan patungo at pabalik sa trabaho ay mas mababa ang body mass index (BMi) kaysa mga nakakotse, nakita sa isang pag-aaral noong 2014 na nailathala sa British Medical Journal, gayundin sa mga naglalakad at nakabisikleta.

Stress sa trabaho

May iniutos na naman ang boss? Subukang huwag mataranta: ang mataas na lebel ng stress hormone na “cortisol” ay maaaring magbunsod ng pagtaas ng iyong timbang. Nagdudulot ito ng sugar cravings kaya napaparami ang iyong kain na sobrang nakakadagdag ng taba sa iyong katawan. Napag-alaman ng 2014 German study na ang work-related na stress ay isa sa mga dahilan ng type 2 diabetes.

Maaari mo ring maramdaman na kailangan mong kalimutan ang healthy habits para maging mabilis ang trabaho, pahayag ni Frances largeman-Roth, RD, nagsulat ng Eating in Color.

Pagpupuyat

Ang mga empleyadong nagpupuyat sa kani-kanilang opisina para matapos ang mga takdang gawain ay maaaring isisi sa hindi normal na pagtulog ang pagtaas ng timbang. Sa isang pag-aaral ng University of Pennysylvania noong 2013, ang adults na mayroon lamang apat na oras na pagtulog kada gabi sa loob ng limang araw ay kalimitang nadadagdagan ang timbang kumpara sa mga taong may walong oras na tulog, dahil sa mga dagdag na pagkain nila tuwing nagpupuyat sila.

Pagpili ng kakainin

Ang pagkakahilig kumain sa fast-food chains o ng processed food ay kalimitan ding nagiging dahilan ng pagdagdag ng timbang. ang mga empleyado na nagtatrabaho or bumibiyahe na hindi kumakain sa kanilang tahanan at dumadaan sa mga drive-thru ay kalimitang may malalaking BMi ayon sa isang British study noong 2014.

Kakulangan sa wellness programs

Ayon mismo sa pag-aaral ni Dr. Tryon, ang mga namumuno sa opisina ay may kakaibang mga pamamaraan upang palaganapin ang impormasyon tungkol sa public health sa pamamagitan ng pagbibigay ng insentibo at paraan, tulad ng reduced insurance premiums at weight-loss support groups.

Ngunit nakita sa pagsusuri ng Hampshire College noong 2014, na 25% ng malalaking kumpanya, at 5% na maliliit na negosyo lamang ang naglulunsad ng komprehensibong wellness programs. Bakit? ayon sa mga kumpanya, mahal ang ganitong mga programa at ayaw nilang pakialaman ang kanilang mga empleyado.

Paraan ng pagkain ng mga katrabaho

Kung palagi kang kumakain kasama ang iyong mga katrabaho, maaari mong tularan maging ang kanilang unhealthy dietary choices.

Ayon sa pag-aaral na nailathala sa Journal of the academy of Nutrition and Dietetics, nakita na maaari tayong gumaya sa “eating norms” base sa ating namamasdan. “You want to fit in—no one wants to be known as the girl who only eats tofu or drinks green smoothies, so you go along with the crowd even if it’s not what you’d normally order,” ani largeman-Roth.

Candy jars at freebie sa mesa Sa lahat ng mga opisina, may naglalagay ng matatamis na pagkain sa isang bowl, ani largeman-Roth, at kung ikaw ay nagbabawas ng timbang, ang taong ito ay iyong kaaway. “We know that when you put something delicious out on prominent display, people are going to

eat much more of it than if it was tucked away in a desk drawer out of sight.” Kasama na rito ang natirang desserts o doughnuts sa kusina, “if there’s a common area for sweets and you know it’s a weakness, you may need to steer clear and not let yourself be tempted.”

Madalas na kasiyahan sa opisina

Kung hindi pinalalampas ng pinagtatrabahuhan mo ang isang kaarawan, anibersaryo, promosyon na may kasamang kainan, babala: Dahil isa sa bawat limang kalahok sa survey ng CareerBuilder ang nagsabing nakatutulong sa pagdagdag ng timbang ang ganitong klaseng mga okasyon. “Employers may see these events as fun perks that boost company morale, so it can be quite controversial to suggest that they may not be so good for their health,” ayon kay Dr. Tryon. “The challenge here is in finding ways to celebrate and reward workers that doesn’t necessarily involve forcing sugary foods on them.”

Vending machines

Katulad ng sa pagdaan-daan sa fast-food chain o pagkain ng processed food, isa rin ang vending machines sa itinuturong dahilan ng pagdaragdag ng timbang sa mga nagtatrabaho. Kapag nasa back-to-back meetings kayo ay hindi maiiwasan na mapadaan sa cafeteria kahit hindi pa naman oras ng pagkain. Hindi rin maiwasan na subukan ang vending machines upang kumuha ng processed food. Karamihan sa mga nakapaketeng pagkain na iyon ay mataas ang calories at salat sa nutrients.

Pagsakay sa elevator

Kailan ka ba huling gumamit ng hagdan? Ang paggamit ng hagdan, kahit na kailangang magpalit ng saoatis tuwing tanghalian o ang hindi pagsakay sa elevator, ay mabisang pampabawas ng timbang, ani Dr. Tryon. Dapat din itong malaman ng mga namumuno dahil,

“Simple environmental changes, like lighting stairwells to make them more appealing for people to use, can create a healthier environment and healthier workers,” dagdag niya

Kakulangan sa pagpapaaraw

Karamihan sa mga empleyado ay nagtatrabaho sa opisana na walang bintana o puwedeng pagmulan ng liwanag o init ng araw. ang init ng araw sa umaga sa oras ng pagpasok sa trabaho ay isang mabisang paraan upang makakuha ng natural na nutrients na mahalaga sa ating katawan.

Ayon sa pag-aaral ng Northwestern University noong 2014, “exposure to the sun was associated with BMi, and that getting bright light in the morning hours seemed to have a slimming effect. light helps to regulate circadian rhythms, which in turn regulate energy balance and expenditure, say the study authors. They suggest getting 20 to 30 minutes of sunlight between 8 a.m. and noon each day to avoid unwanted weight gain.”

Night-shifts

Ang mga nagtatrabaho sa gabi ay mas may posibilidad ng pagtaba kaysa sa mga nagtatrabaho sa umaga, ayon sa isang pag-aaral noong 2014 ng University of Colorado at Boulder. Napag-alaman ng mga nag-aaral na ang mga kalahok ay nakababawas ng mas mababang calories sa loob ng tatlong araw tuwing natutulog sa umaga at gising (at kumakain) sa gabi, kaiba kapag sinundan nila ang normal na schedule. Ang circadian clock ng ating katawan ay maaaring magbago oras-oras, ngunit dahil nababago ito ng shift-workers tuwing day off, hindi lubusang naiaangkop ng kanilang katawan ang schedule na ito.

Nakagagambalang paraan ng pagkain

Hindi lang isa kundi maraming paraan kung bakit naaapektuhan ng pagkain sa iyong mesa ang sukat ng baywang. Hindi lang dahil nakaliligtaan mong mag-ehersisyo sa pamamagitan ng paglalakad patungong kainan, ngunit kasama na rito ang hindi mo lubusang maramdaman at maranasan ang pagkain. Sinabi ni largeman-Roth na marami kang ginagawa - sumasagot ng emails, tumatawag, online shopping - at hindi nakatuon ang iyong isip sa paglasap ng iyong kinakain. at makalipas ang isang oras, aniya, makakalimutan mo nang kumain ka na at dadampot na lang ng pagkain.