Niyanig ng 5.2 Magnitude na lindol ang Davao Occidental noong Miyerkules, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ayon sa Phivolcs naramdaman ang pagyanig sa silangan ng Sarangani, Davao Occidental dakong 1:20 ng hapon.

Naitala ang Intensity 4 sa General Santos City, Don Marcelino, Davao Occidental, Intensity 3 sa Davao City, Digos City, Davao del Sur, at Kiamba, Sarangani, Tagum, Davao del Norte, at Intensity 2 sa Kidapawan City.

Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 49 kilometro.

Akbayan, De Lima 'di apektado sa pagtutol ni PBBM: 'Kailangang manaig ang batas!'

Wala naman iniulat na napinsalang ari-arian sa naturang lindol.