ZANJOE-AT-BABY-copy

PAPAYAGAN na kayang bumiyahe papuntang ibang bansa si Jana Agoncillo alyas Baby, ang anak-anakan ni Zanjoe Marudo sa Dream Dad?

Ang dami kasing nagtatanong sa aming kababayan natin sa Amerika kung kailan nila makikita nang personal si Baby roon dahil ang cute-cute at talagang sinusubaybayan nila ang Dream Dad.

“Siyempre dapat kasama si President (tawag ni Baby kay Zanjoe) ‘pag nag-show sila rito,” sabi sa amin ng kaibigan naming taga-LA.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Nagtanong kami sa taga-Dream Dad kung pinapayagan na si Bagets na mag-show sa ibang bansa, “Not sure po kung puwede na, pero Star Magic talent po siya,” sabi sa amin.

Actually, kung may magimbita namang mag-personal appearance ang Dream Dad cast, eh, pupuwede naman sigurong bumiyahe si Baby.

Nakakatawa nga kasi since dalawang beses na raw gumanap bilang tatay si Zanjoe sa serye (nauna ‘yung sila ni Andrea Brillantes) ay kailan daw ba sila magpapakasal ni Bea Alonzo. May ganu’n?