ILOILO CITY - Inaasahang aabot sa 5,000 security personnel ang itatalaga sa Iloilo Dinagyang Festival sa susunod na linggo.

Tinatayang ito na ang pinakamaraming security personnel na ikakalat sa Iloilo dahil sa inaasahang dami ng VIP at mga turista na makikisaya sa Dinagyang Festival.

Ayon kay Iloilo City Police Office chief Senior Supt. Ruperto Floro, kabilang sa mga magbabantay sa seguridad ng taunang kapistahan ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP), Philippine Navy at mga barangay tanod.

Nanawagan naman ang PNP sa mga turista at residente na makipagtulungan sa awtoridad para sa kanilang seguridad.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists