Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng isang sundalo ang kasamahan niya matapos niya itong matamaan sa mata at katawan kasunod ng pagtatalo nila sa kanilang allowance sa Paquibato, Davao City, noong Linggo ng gabi.

Kakasuhan ng murder si Pfc. Angel Quedding, 34, residente ng Kabacan, North Cotabato, dahil sa pagpatay kay Pfc. John Ryan Astero, 28, binata, tubong Guimba, Nueva Ecija. Sina Quedding at Astero ay kapwa miyembro ng Philippine Army.

Ayon sa imbestigasyon ng Davao City Police Office (DCPO), nangyari ang insidente sa Purok Pag-asa, Paquibato District.

Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya na bago nangyari ang krimen ay nagtalo ang dalawa hinggil sa kanilang subsistence allowance contribution at re-enlistment promotion.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nauna rito, kinausap umano ang dalawa ang kanilang senior officer na si Sergeant Niño Ladan na ayusin na ang pinagtatalunan nilang subsistence allowance contribution.

Matapos ang insidente, agad na dinala ang suspek sa 69th Infantry Battalion na nakabase sa Barangay Dalisay, Panabo City,para sumailalim sa imbestigasyon.