Talong Festival

Sinulat ni LlEZLE BASA INIGO at mga larawang kuha ni RIZALDY COMANDA

MULING pinasigla at pinasaya ang mga residente, turista at mga balikbayan sa selebrasyon ng Talong Festival noong Enero 16 sa Villasis, Pangasinan.

Ang pinakamasarap na luto ng pinakbet sa kawa at ang street dancing ng iba't ibang barangay ang pangunahing tampok sa selebrasyon.

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

Libu-libong manonood at mga bisita mula sa karatigbay an ang nakalibre ng tikim ng pinakbet na niluto sa kawa ng ilang barangay at ang lalong nagpasaya sa mga tao ay ang makukulay na damit at kahusayan na ipinamalas ng siyam grupong partisipante sa street dancing.

Ayon kay Mayor Dita Abrenica, malaking tulong sa bayan ng Villasis ang kapistahan ng Patron na si Saint Anthony de Abbot at ang Talong Festival, dahil dito naipo-promote ang produkto ng talong at iba pang agricultural crops, na itinuturing na one town one product.

Kinikilala sa Rehiyon 1 ang bayan ng Villasis bilang may pinakamarami at masaganang produksiyon ng talong. Mahigit sa 400 ektarya ng lupa ang tinataniman dito ng talong na nakakasakop sa anim na barangay.

“Malaki ang harvest tauntaon at sa kabila ng problema sa peste sa talong ay naagapan naman at naibibigay ang sapat na suplay sa mga negosyante at sa iba’t ibang probinsiya na namimili rito,” pahayag pa ni Abrenica.

Lalo pang lumago ang kanilang produksiyon nang makilala nang husto ang Villasis na nakakapagprodus ng mga gulay na sangkap sa pinakbet, gaya ng okra, sili, at kamatis.

Ang unang Talong Festival ay inilunsad noong 2005 sa pamumuno ni dating Mayor Nato Abrenica, asawa ni Mayor Dita.

Ang pinakbet ay popular na pagkain ng mga Ilokano na tinatangkilik na rin ng marami na tumutungo sa Pangasinan.

Sa ginanap na selebrasyon ng ika-10 Talong Fest, lumahok ang 21 barangay sa Pinakbet sa Kawa at gumamit ng 1,232 kilo ng gulay. Bawat barangay ay binigyan ng tig-30 kilos ng talong,10 kilong ampalaya, 10 kilo na kamatis at 4 na kilo ng okra at 2 kilo ng sili na iniluto sa kawa sa likod ng auditorium ng Villasis.

Ang ika-10 taon na pagdiriwang ng Talong Festival ay maituturing na matagumpay sa pagpapakilala sa produktong talong sa Villasis, na dinarayo ng maraming mamimili sa kanilang bagsakan market.