Julia Barretto2

NAGULAT kami sa sunud-sunod na mensahe sa amin ng mga kaibigan at kamag-anak namin sa ibang bansa tungkol kay Julia Barretto na nasa hot seat na naman nang lumabas ang isyu na hindi man lamang daw nito pinansin ang amang si Dennis Padilla sa thanksgiving/ pre-Christmas party ni Coco Martin para sa buong cast ng Ikaw Lamang at entertainment press.

Hindi magagandang salita ang mga sinabi sa amin ng TFC subscriber tungkol kay Julia at maski raw anong mali ng tatay niya ay siya ang dapat na unang bumati

sa ama.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Ikinatwiran namin na nagpahayag ang ina ni Julia na si Marjorie Barretto na takot ang young actress sa tatay niya kay a hindi niya nagawang batiin, pero hindi ito kina gat ng mga sumusubaybay sa kuwento ng mag-ama.

Well, ang wish namin, huwag na lang nilang problemahin sina Julia at Dennis at ay sana suportahan pa rin nila ang Wansapanataym Present Wish Upon A Lusis na pinagbibidahan ng young actress kasama si lfiigo Pascual at maging ang lahat ng shows/pelikula nito.

Nang mabanggit ang pangalan ni IfUgo ay bigla kaming kinulit kung kailan daw magkakaroon ng show ang bagitong aktor sa Amerika, sinabi namin na abangan nila dahil balita namin ay may back-to-back concert sila ng tatay niyang si Piolo PascuaL

"'Buti pa si Inigo, maski lumaki siyang wala ang tatay niya sa tabi niya, hindi nawala ang respeto niya, maganda ang pagpapalaki ng mom niya," sabi sa amin.

Well, to each his own naman, kaya intindihin na lang natin ang pinagdadaanan ni Julia, tama ba bossing DMB? Tatay ka rin kaya siguro sakay mo? --Reggee Bonoan

(Reggee, ayaw ng mga Pilipino ng mga anak na walang utang na loob sa magulang. 'Yan lang ang masasabi ko. --DMB)