Hilo, pagsusuka, hika.

Ang mga ito ay ilan lang sa mga karamdamang ininda ng 60 sa mga nakipagsiksikan sa ilalim ng ulan upang masilayan si Pope Francis sa kanyang pagbisita sa University of Sto. Tomas at pagmimisa sa Quirino Grandstand kahapon.

Hanggang 11:00 ng umaga kahapon, sinabi ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na 57 sa mga nabigyan ng first aid ng Philippine Red Cross (PRC) ay babae habang ang tatlo ay lalaki.

Isang babae ang isinugod sa Ospital ng Maynila dahil nahirapang huminga habang anim ang dumanas ng pagsisikip ng dibdib.

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

Dalawang babae, na edad 18 at walo, ang nahilo habang ang iba ay hinika.

Sa hiwalay na ulat, sinabi ng PRC na umabot sa 123 tagasuporta ng Papa ang nakaranas ng pagkahilo habang tatlo ang nahirapang huminga.

Sa stampede dakong 5:00 ng umaga, 10 katao ang naiulat na nasugatan, ayon sa PRC. - Jenny F. Manongdo