MUKHANG nasa mood si Gerald Anderson sa presscon ng Halik Sa Hangin sa Dolphy Theater noong Miyerkules ng gabi dahil panay ang tukso niya sa kanyang leading lady na si Julia Montes tungkol sa love scene nila.

Panay naman ang pasalamat ni Julia kay Gerald na sobrang gentleman daw at wala itong naramdaman na pananamantala. Bilang reaksiyon, agad hinubad ng aktor ang kanyang mamahaling relo at ibinigay sa aktres.

Nagpasalamat din ang aktor na nagkatrabaho sila ni Julia na aniya’y sobrang bait.

Paano niya inalalayan ang dalaga sa intimate love scene nila?

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

“Ay, grabe, grabe! Puwede ko bang ikuwento? Sobra po siyang kinakabahan talaga, as in sobrang nagsa-sign of the cross siya, ‘tapos hinahawakan ako nang mahigpit every ano, talagang ginagawa ko ang lahat para maging komportable siya.

“Tulad po ng sinabi ko kanina, she’s also 19, ‘tapos ‘yung role na ‘binibigay sa kanya, talagang napaka-challenging at medyo mature. But it’s a

coming of age movie naman at talagang ang dami pong hiningi sa kanya at ‘binigay niya lahat.

“Noong una, siyempre, nakakatuwa kasi nagsa-sign of the cross pa siya, na feeling mo may mangyayaring talagang ano, pero once na nag-scene na, grabe, grabe! Mararamdaman mo nanginginig siya, namumula siya, pero once na nag-action, talagang mas ‘binigay pa nga niya, eh, so, nakakatuwa,” nakangiting kuwento ng aktor.

Sa bundok ng harina kinunan ang matinding eksenang lampungan nina Gerald at Julia pero ang tanong namin ay kung selosa ba si Maja, he-he....

“Medyo, so far hindi pa naman siya nagselos,” mabilis na sagot ng aktor.

Pagseselosan kaya ni Maja ang eksena nila ni Julia?

“Ay, hindi ko po alam, ha-ha-ha,” natawang sagot ni Gerald. Paulit-ulit na sabi niya, unang beses pa lang siyang nakagawa ng ganitong klaseng papel kaya umaasa siya na sana’y magustuhan ito ng mga manonood.

“Better than OTJ (On the Job),” ang pagsasalarawan niya sa pagganap niya sa Halik Sa Hangin. Matatandaang pinuri siya nang husto sa papel niya bilang apprentice hired killer sa OTJ.