MELBOURNE, Australia (AP)– Makakatapat ng top-seeded na si Serena Williams si Alison Van Uytvanck ng Belgium sa kanyang first round match sa Australian Open sa pagsisimula ng kanyang pagtatangka masungkit ang ika-19 na Grand Slam singles title.

Maaaring makaharap ni Williams ang dating No. 1-ranked na si Caroline Wozniacki sa quarterfinals at ang Wimbledon champion na si Petra Kvitova sa semifinals matapos ang draw noong Biyernes. Ang season-opening major ay magsisimula sa Lunes sa Melbourne Park.

Sa kabilang dako, ang second-seeded na si Maria Sharapova, na kakalabanin ang isang qualifier sa first round, ay maaring makatapat si Eugenie Bouchard sa quarterfinals at Ana Ivanovic, na kanyang tinalo sa Brisbane International noong nakaraang weekend, sa semis.

Ang two-time champion na si Victoria Azarenka, unseeded matapos matamo ng sunud-sunod na injury noong 2014, ay hahamunin naman ang American na si Sloane Stephens sa first round sa rematch ng kanilang semifinals dalawang taon na ang nakararaan nang iwan ni Azarenka ang court dahil sa medical timeout at kinuwestiyon ni Stephens ang kanyang ginawa.

Akbayan, De Lima 'di apektado sa pagtutol ni PBBM: 'Kailangang manaig ang batas!'

Natalo ni Stephens si Williams sa quarterfinals ng kaparehong taon.

Sa men’s draw, ang No. 2 na si Roger Federer at No. 3 na si Rafael Nadal ay napunta sa magkaparehong bracket.

Ang top-seeded na si Novak Djokovic at defending champion na si Stan Wawrinka naman ang nasa kabilang hati.

Napatapat si Djokovic sa isang qualifier sa first round at si Federer, na kamakailan ay napanalunan ang kanyang ika-1,000 career match nang kanyang talunin si Milos Raonic sa Brisbane International final, ay haharapin si Lu Yen-hsun ng Taiwan. Sina Djokovic at Raonic, na uumpisahan din ang kanilang kampanya laban sa isang qualifier, ay nasa magkaparehong quarter ng draw.

Maaaring makalaban ni Federer ang sixth-seeded na si Andy Murray ng Britain, na hahamunin ang isang qualifier sa first round, sa quarterfinals. Ang 17-time Grand Slam winner ay kasama rin si “Baby Fed,” ang No. 10-seeded na si Grigor Dimitrov ng Bulgaria, sa kanyang quarter.

Si Nadal, nagpapagaling pa rin mula sa appendix surgery niya noong Nobyembre, ay mahaharap sa isang hamon sa first round laban sa dating top 10-player na si Mikhail Youzhny ng Russia, habang si Wawrinka ay uumpisahan ang kanyang title defense laban kay Marsel Ilhan ng Turkey.

‘’Starting the year with a Grand Slam and finishing with the Davis Cup, it was an incredible 2014,’’ ani Wawrinka, na kasama si Li Na, ang 2014 Australian Open women’s champion na nagretiro noong Setyembre, ay inihatid ang mga tropeo sa lokasyon ng draw sa labas ng bagong bihis na Margaret Court Arena.