Nais ni Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon sa Department of Trade and Industry na ipaliwanag kung bakit hindi bumababa ang presyo ng mga bilihin sa kabila ng pagbulusok ng presyo ng langis.

“When the cost of fuel in the world market spikes, manufacturers and producers here in the country are quick to adjust their prices. Yet why is it that when a historical drop in fuel prices is observed, the price of basic commodities remain unchanged?” tanong ni Ridon.

Nitong Lunes, tinapyasan ng mga kumpanya ng langis ng P1.70 ang bawat litro ng gasolina, P1.60 kada litro ng kerosene at P1.50 kada litro ng diesel. Ito ang ikalawang bawas ngayong buwan, matapos ang 95 sentimos kada litro ng gasoline at 80 sentimos kada litro ng diesel noong nakaraang linggo.

Akbayan, De Lima 'di apektado sa pagtutol ni PBBM: 'Kailangang manaig ang batas!'