BANGKOK (Reuters)— Hindi dumalo si dating Thai Prime Minister Yingluck Shinawatra sa kanyang ikalawang impeachment hearing noong Biyernes, kayat ang mga minister na sangkot sa kontrobersyal na rice subsidy program ang sumagot sa mga katanungan ng mga parliamentarian.

Magdadaos ang National Legislative Assembly (NLA) ng Thailand ng ikatlo at huling pagdinig sa susunod na linggo at magbobotohan sa Enero 23 kung nagkasala nga ba si Yingluck ng dereliction of duty. Kapag naging guilty ang hatol, makukulong siya ng limang taon.
National

Kamara, nagdeklara ng suporta kay PBBM: ‘Let us rally behind our President!’