STO. TOMAS, Batangas – Hiniling ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Sto. Tomas ang pag-endorso ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Batangas na maging component city ang bayang ito.

Sa committee hearing nitong Enero 12, inilatag ng mga lokal na opisyal ng Sto. Tomas ang resolusyong inaprubahan ng Sangguniang Bayan (SB) noong Oktubre, 28, 2014 na humihiling ng endorsement mula sa SP.

Una nang hiniling ng SB kay 3rd District Rep. Sonny Collantes na iakyat sa Kongreso ang pagiging lungsod ng Sto. Tomas.

Bilang aksiyon, inisponsoran ni Collantes noong Mayo 2014 ang House Bill No. 04453 (An Act Converting the municipality of Sto. Tomas into component city to be known as the City of Sto. Tomas).

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’

Sakaling maaprubahan sa Kongreso, ang Sto. Tomas ang magiging ikaapat na lungsod sa Batangas, kahilera ang Lipa, Batangas at Tanauan.