BINANGONAN, Rizal— Patay ang isang 52-anyos na lalaki matapos siyang pagtulungang barilin sa Barangay Calumpang, Binangonan, Rizal kahapon.

Ayon sa report ng Binangonan Police kay Rizal Police Provincial Office director Senior Supt. Bernabe Balba, ang biktima ay nakilalang si Abraham Asuncion, may-sawa, nakatira sa Barangay Calumpang, Binangonan, Rizal. Ang suspek ay dalawang ‘di kilala at armadong lalaki na tumakas matapos ang krimen.

Lumitaw sa imbestigasyon ni SPO1 Reynante Loyola, dakong 9:10 ng umaga, nakatayo si Asuncion at nakikipag-usap sa isang kaibigan sa harap ng kanilang bahay sa Barangay, Calumpang, Binangonan, Rizal nang dumating ang dalawang suspek at siya ay binaril.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20