PANGKALAN BUN, Indonesia (Reuters)— Hinahanap ng Indonesian navy divers ang mga bangkay noong Huwebes sa fuselage ng eroplano ng AirAsia na bumulusok sa dagat

mahigit dalawang linggo na ang nakalipas, na ikinamatay ng lahat ng 162 kataong sakay nito.

Isang military vessel ang nakatagpo sa fuselage noong Miyerkules, halos 3 km (2 miles) mula sa lugar na pinaghanguan ng buntot ng eroplano sa ilalim ng Java Sea nitong weekend.

Sa ngayon ay 50 bangkay pa lamang ang narekober mula sa trahedya ng AirAsia Flight QZ8501 noong Disyembre 28.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20