Pumayag ang Boston Celtics sa isang trade na magpapadala sa point guard na si Jameer Nelson sa Denver Nuggets para kay Nate Robinson, ayon sa league sources ng Yahoo Sports.

Inaasahan ang Celtics na makikipagnegosasyon para sa buyout na $2.1-milyong kontrata ni Robinson at pagkatapos ay ipamimigay siya, sabi pa ng mga source. Kung papasa sa waivers si Robinson, posibleng maging kandidato ang Los Angeles na kunin siya. Una nang nagkaroon ng pag-uusap ang Clippers sa Nuggets para kay Robinson, ani ng source.

Inumpisahan ni Nelson, 32, ang season sa Dallas Mavericks at napunta sa Boston nang ma-trade si Rajon Rondo noong nakaraang buwan. Siya ay may average na 6.8 puntos at 4.4 assists sa 29 laro ngayong season. Hindi siya nakapaglaro sa huling limang laban ng Celtics dahil sa ankle injury, ngunit inaasahang magbabalik na sa court anumang araw.

Siya ay nakatakdang gumawa ng $2.7-milyon ngayong season at mayroong $3.2-milyong player option sa susunod na season.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Si Robinson naman, 30, ay may average na 5.8 puntos at 2.3 assists sa loob ng 33 laro ngayong season. - Yahoo Sports