ISA ang Love on Top singer na si Beyonce,33, sa mga pinag-uusapang artista ngayon, at muli siyang nagtaas-kilay noong Linggo nang ibahagi niya ang kanyang larawan na nasa buhangin habang nagbabakasyon sa Cambodia na makikita na namumukol ang kanyang tiyan. Walang inilagay na paglalarawan ang singer, ngunit ang kanyang mga tagahanga ay hindi nagsayang ng oras at inisip na may nais siyang ipahayag.

Nakatakdang kumpirmahin ni Beyonce ang kumakalat na usap-usapan, ngunit mayroong siyang track record na kailangan niyang panatilihing pribado ang malalaking balita. Sekretong nagpakasal sina Beyonce at Jay Z at diretsahang inihayag ang kanyang pagdadalantao. Habang siya ay nasa entablado noong 2011 MTV Video Music Awards, hinimas niya ang kanyang tiyan at isiniwalat na siya ay buntis at ito ay pinangalanang Blue Ivy.

Nagpahayag ng saloobin ang dating miyembro ng Destiny’s Child na si Michelle Williams noong Lunes, aniya, “You know, when she was pregnant people said that she wasn’t pregnant and you know, it’s just no truth to it,” sabi ni Williams. “Sorry!”

Kung talagang nagdadalantao si Beyonce, ito ay may kaugnayan sa kanyang sinabi noon tungkol sa pagiging ina.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“Definitely I would like to have more children,” pahayag ni Beyonce sa The Mirror noong isang taong gulang pa lamang si Blue Ivy. “Motherhood has changed everything. You see things a bit differently after you give birth and my biggest job now is to protect my child.” - Yahoo News/Celebrity