PAHULAAN ang mga katoto kung anu-anong programa ang magtatapos na sa Channel 2 dahil tatlong programa ang ipapalabas nang sabay-sabay sa Lunes (Enero 19), ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, Oh My G at Flordeliza.

Janella SalvadorAng alam namin ay sa susunod na buwan pa mamamaalam ang Two Wives nina Jason Abalos, Kaye Abad at Erich Gonzales at ngayong Biyernes naman magwawakas ang Give Love on Christmas Presents Exchange Gift nina KC Concepcion at Paulo Avelino, kaya ito ang papalitan ng Oh My G.

Ang Oh My G na pagbibidahan nina Janella Salvador, Manolo Pedrosa at Mario Mortel ay inspired sa Indian movie na OMG (Oh My God) na ipinalabas noong Setyembre 2012. Marami ang nagaabang sa magiging reception ng publiko sa launching serye na ito ni Janella na nag-umpisang sumikat sa Be Careful With My Heart.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Ayon sa napagtanungan naming taga-Dos, pagkatapos ng It's Showtime naman eere ang Flordeliza nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal na susundan naman ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita na pagbibidahan nina Vina Morales, Jane Oneiza, Loisa Andalio, Jerome Ponce, Joshua Garcia, Christian Vasquez, at Denise Laurel mula sa direksyon nina Jeffrey Jeturian at Mervyn Brondial under Ginny M. Ocampo's production unit.

Matatandaang naging pelikula na ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita (1986) na pinagbidahan nina Ms. Susan Roces, Hilda Koronel, Snooky Serna, Janice de Belen, Richard Gomez, Aga Muhlach at Mr. Eddie Garcia mula sa script ni Ricky Lee at direksyon ni Mel Chionglo.

Kuwento pa ng source namin, bubuhayin daw kasi muli ng ABS-CBN ang panghapong Kapamilya Gold sa pamamagitan ng mga nabanggit na programa.

Pawang magaganda ang projects ng business unit head na si Ms Ginny M. Ocampo na sabi ng ABS-CBN insiders ay mahilig mag-experiment dahil sino nga naman mag-aakala na bagay palang love team sina Jodie Sta. Maria at Richard Yap sa Be Careful With My Heart na umere ng halos dalawang taon.

Matagumpay din ang Pure Love na pinagbidahan nina Alex Gonzaga, Arjo Atayde at Joseph Marco.

Kasalukuyan namang humahataw sa ratings game ang Dream Dad nina Zanjoe Marudo, Beauty Gonzales, at Jana Agoncillo alyas Baby na napapanood pagkatapos ng TV Patrol.