Xian Lim

NAKAKUWENTUHAN namin ang taga-ABS-CBN tungkol sa seryeng Bridges of Love na pinagbibidahan nina Jericho Rosales at Maja Salvador minus Xian Lim na pinalitan na ni Paulo Avelino.

“Alam mo, okay naman si Xian, eh,” sabi ng source. “Ang galing nga niya sa workshop, wala namang problema kasi lahat ng ipinagagawa sa kanya, nagagawa naman niya pati nga ‘pag mino-motivate siya, ang galing, hindi mo iisipin na may lalim pala siya.

“Ang nakakapagtaka lang, ‘pag isinalang na (sa eksena sa taping), parang hindi na niya nakukuha ‘yung ipinagagawa sa kanya. Siguro nasanay siya sa ibang serye o sa mga pelikulang ginagawa niya na habang umaarte siya, may nagga-guide sa kanya, kung baga spoon-feed siya, eh, hindi siya umubra sa grupo ng Bridges kasi kanya-kanya at bahala ka sa sarili mo.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“So siguro nawindang siya na walang umaalalay sa kanya during takes kasi sa Star Creatives, walang ganu’n yata, kanya-kanya kasi ro’n.”

Sey namin, baka naman kasi laging conscious si Xian sa lahat ng ginagawa niya kaya hindi niya naibibigay ang best niya.

“Isa rin ‘yun, baka nga may mga iniisip siya, so ang tendency, hilaw, kulang sa expectation ng direktor.  Or feeling ko, si Kim (Chiu) ang comfort zone niya.

“Kasi kapag si Kim ang kasama niya okay naman, eh.  Komportable siya ‘pag si Kim at siguro inaalalayan siya ni Kim,” pagsang-ayon sa amin ng informant namin.

E, hindi naman pupuwedeng si Kim lang parati ang kasama ni Xian, hindi puwedeng hindi itambal sa iba ang aktres. Kailangan na rin niyang mag-level up kasi kung si Xian lagi ang leading man niya, parating romantic comedy lang ang gagawin nila, kailangan na rin nilang grumadweyt sa ganu’ng level dahil matanda na sila, ipaubaya na nila ang pakilig-kilig o pa-cute kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo; Iñigo Pascual at Julia Barretto at Nash Aguas at Alexa Ilacad.

At higit sa lahat, sana ang loyalistang supporters ng KimXi o ni Xian per se ay huwag mapikon kapag nasusulat ng hindi maganda ang idolo nila dahil constructive criticism ito para matuto ang aktor.